Miyerkules, Setyembre 13, 2017

TEENAGE PREGNANCY: Maagang pagbubuntis ng mga kababaihan.

TEENAGE PREGNANCY: Maagang pagbubuntis ng mga kababaihan.

                               Ang Teenage pregnancy ito yung maagang pagbubuntis ng mga kababaihan na wala pa sa hustong gulang. Sa kakulangan ng sapat na kaalamanan, parami rami na ang mga kaso ng mga maagang pagbubuntis ng mga kababaihan.

                              Ano ang mga kadahilanan ng maagang pagbubuntis? Katulad nalamang ng Peer pressure, ang peer pressure ito yung nagtutulak sa isang tao na gawin mo ito at kung ano-ano pa na hindi magdudulot ng maganda para sa kanya . Ito pa kawalan ng gabay ng magulang, ang magulang na minsan lang makapag bigay ng oras o atensyon sa kanyang anak ay maari magdulot ng hindi maganda. Social Media, isa din itong malaking impluwensya sa mga kabataan maari silang matuto ng hindi maganda. Kawalan ng tamang kaalaman, mga kabataang hindi lubos alam kung ano ang kahulugan ng sex o pakikipagtalik. Pag-iinom o paglalasing ng mga kabataan may kasabihan nga sa kanta "Pag may alak may balak" pwede itong mauwi sa disgrasya o hindi ginustong pagbubuntis. Ang pag iinom ay nagpapahina ng kakayahan ng kabataan, minsan ang mga dahilan dito ay dahil nadadala sila sa bugso ng damdamin. Ang Pakikipag talik sa kasintahan ay kasalan sa panginoon may kasabihan nga "Ang hindi marunong maghintay madalas nagiging nanay". Ang pag gahasa din ang kadahilan ng maagang pag bubuntis ng mga batang babae, nangyayari ito sa mga liblib na lugar.

                            Paano maiiwasan ang maagang pagbubuntis? Mga kabataan pumili ng maayos na babarkdahin o kakaibiganin. Mga magulang bigyan natin ng atensyon ang iniyong mga anak upang hindi mapariwara. Iwasan manood o magbasa ng malalaswa, hindi naman masama manood ang masama ay ang gawin niyo kung ano ang hindi makakabuti. Matutong alamin,busisain ang ibigsabihin ng sex o pakikipagtalik. Pag inom ng alak ay hindi natin maiiwasan bagkus alamin natin ang ating limitasyon upang hindi tayo mapahamak. Huwag makikipag talik hanggat hindi pa binabasbasan o hindi pa nagpapakasal. Umiwas sa temtasyon at umiwas sa mga liblib na lugar upang hindi tayo mapahamak.

                          Tayo na't magising sa katotohanan, mahirap maging batang ina. Maraming nakaagapay na responsibilidad. Hindi tayo magkakaroon ng magandang buhay.

                         Ang kabataan ang tataguyod sa bayan. Nasa kanilang mga palad ang pagbabago na ikakabuti hindi lamang sa isa kundi ng lahat.

3 komento:

  1. bakit hindi mo sinali ang ating mga sarili???
    Dahil nasa sarili natin ang hinaharap

    TumugonBurahin
  2. bakit hindi mo sinali ang ating mga sarili???
    I-notify ako

    TumugonBurahin