TEENAGE PREGNANCY:
Maagang pagbubuntis ng mga kababaihan.
Ang Teenage pregnancy ito yung maagang pagbubuntis ng mga kababaihan na wala pa sa hustong gulang. Sa kakulangan ng sapat na kaalamanan, parami rami na ang mga kaso ng mga maagang pagbubuntis ng mga kababaihan.
Ano ang mga kadahilanan ng maagang pagbubuntis? Katulad nalamang ng Peer
pressure, ang peer pressure ito yung nagtutulak sa isang tao na gawin mo ito at
kung ano-ano pa na hindi magdudulot ng maganda para sa kanya . Ito pa kawalan
ng gabay ng magulang, ang magulang na minsan lang makapag bigay ng oras o
atensyon sa kanyang anak ay maari magdulot ng hindi maganda. Social Media, isa
din itong malaking impluwensya sa mga kabataan maari silang matuto ng hindi
maganda. Kawalan ng tamang kaalaman, mga kabataang hindi lubos alam kung ano
ang kahulugan ng sex o pakikipagtalik. Pag-iinom o paglalasing ng mga kabataan
may kasabihan nga sa kanta "Pag may alak may balak" pwede itong mauwi
sa disgrasya o hindi ginustong pagbubuntis. Ang pag iinom ay nagpapahina ng
kakayahan ng kabataan, minsan ang mga dahilan dito ay dahil nadadala sila sa
bugso ng damdamin. Ang Pakikipag talik sa kasintahan ay kasalan sa panginoon
may kasabihan nga "Ang hindi marunong maghintay madalas nagiging
nanay". Ang pag gahasa din ang kadahilan ng maagang pag bubuntis ng mga
batang babae, nangyayari ito sa mga liblib na lugar.
Paano maiiwasan ang maagang pagbubuntis? Mga kabataan pumili ng maayos
na babarkdahin o kakaibiganin. Mga magulang bigyan natin ng atensyon ang
iniyong mga anak upang hindi mapariwara. Iwasan manood o magbasa ng malalaswa,
hindi naman masama manood ang masama ay ang gawin niyo kung ano ang hindi
makakabuti. Matutong alamin,busisain ang ibigsabihin ng sex o pakikipagtalik.
Pag inom ng alak ay hindi natin maiiwasan bagkus alamin natin ang ating
limitasyon upang hindi tayo mapahamak. Huwag makikipag talik hanggat hindi pa
binabasbasan o hindi pa nagpapakasal. Umiwas sa temtasyon at umiwas sa mga
liblib na lugar upang hindi tayo mapahamak.
Tayo
na't magising sa katotohanan, mahirap maging batang ina. Maraming nakaagapay na
responsibilidad. Hindi tayo magkakaroon ng magandang buhay.
Ang
kabataan ang tataguyod sa bayan. Nasa kanilang mga palad ang pagbabago na
ikakabuti hindi lamang sa isa kundi ng lahat.
bakit hindi mo sinali ang ating mga sarili???
TumugonBurahinDahil nasa sarili natin ang hinaharap
bakit hindi mo sinali ang ating mga sarili???
TumugonBurahinI-notify ako
ganda
TumugonBurahin